Caluag nadiskaril

Kinapos sa gold me­dal si former Olympian Daniel Caluag sa men’s BMX competition sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si former PSA (Phi­lippine Sportswriters Association) Athlete of the Year awardee Caluag na pumadyak sa 2012 London Olympics ay naungusan nina Nonthakon Inkhokshong ng Thailand at Gusti Bagus Saputra ng Indonesia sa finale. Nagkasya lang sa bronze ang Pinoy biker.

Nakalawit ni Saputra ang gold habang silver ang nauwi ni Inkhokshong.

Kampeon si 30-year-old Caluag noong 2013 edition pero hindi nito nagawang depensahan ang kanyang korona noong 2015 SEA Games dahil hindi isinali ng host Singapore ang BMX event.

Nasilo ni Caluag ang gold sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.