Na-badtrip ang mga netizen sa kumalat na litrato ng mga delegado at atleta umanong mula sa Cambodia na dumating sa bansa para sa SEA Games 2019.

Dahil sa pagod, walang keber na sumalampak at nahiga na lang sa carpet at pinagsama-samang upuan ang Cambodia team na dumating daw noong Biyernes, Nob. 22.

Ibinahagi ang litrato ng ­Twitter user na @AltABSCBN.

Sa mga comment dito, mababasa na palusot daw sa nangyari ay wala raw abiso na dara-ting ang Cambodia team kaya ­hindi naayos agad ang kanilang ­accommodation.

Bilang Pilipino ay hiyang-hiya naman ang mga netizen dahil nasaan na raw ang hospitality ng bansa. (IS)