Ibinulgar ng isang real estate consultancy firm na palalawakin pa ang operation ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Metro Manila at mga karatig sa kabila ng may moratorium sa pagbibigay ng lisensiya.
Ayon kay real estate consultancy firm Santos Knight Frank (SKF) director Morgan McGilvray, inaasahan na madadagdagan pa ang mga papasok na POGO sa bansa.
“We should expect POGOs to continue to expand in Metro Manila and when that office space runs out, we can expect them… out of Metro Manila as well,” ayon McGilvray.
Sinabi ni McGilvray na gumagawa ng paraan ang ibang POGO para makapag-operate kahit may moratorium sa pamamagitan ng pag-sub leasing facilities mula sa mga lisensiyadong operator.
Inaasahan na may Cambodian operators na darating sa Pilipinas matapos na i-ban ang POGO sa Camodia. (Juliet de Loza-Cudia)