Mainit na mainit pa rin ang pagmamahalan ng celebrity couple na sina Camila Cabello at Shawn Mendes. Kahapon, spotted sila na naghahalikan sa isang café sa Montreal, Canada.

Sina Camila at Shawn ang umawit at gumanap sa music video ng “Senorita”.

Ayon sa source ng E! News, “Bago sila nagtungo sa Cafe, lumibot pa raw ang dalawa sa Montreal habang magkahawak ang kamay.”

Madalas na namamataan ang kanilang “public display of affection” o PDA sa iba’t ibang lugar nitong mga nakaraang linggo. Nitong July ay nakunan din sila na naghahalikan sa Miami.

Paliwanag naman ng source ng E! News, “It already feels to them like they’ve been together for a lot longer than they have.”

Nakilala na nila ang isa’t isa kaya naman natural na natural ang pagiging sweet nila. Halos hindi umano mapaghiwalay ang dalawang singer.

Dagdag pa ng source, “They are going for it without holding back. This step in their relationship is exciting for them both. They haven’t wanted to be apart at all. It’s 24/7 and all out at this point.” (Ronaline Avecilla)