NEXT year pa ikakasal si MARS host ­Camille Prats sa kanyang nobyong si VJ Yambao.

Mukhang excited na ang Kapuso actress na maging Mrs. Yambao.

Ang kanyang married name na ang kanyang ipinatahi sa kanyang personalized bag tag.

Imbes na Camille Prats eh Camille Yambao na ang mababasa sa bag tag ni Camille.

Todo na ang preparasyon nina Camille at VJ para sa kanilang kasal sa January 2017.

Kamakailan lang ay natapos nila ang kanilang pre-nuptial shoot sa California.