Camille kinilig kay Jodi

camille-prats-jodi-sta.maria_

NAKAKATUWA ang pagiging sweet ni Jodi Sta. Maria. Sobra niyang pinaligaya si Camille Prats sa text message niya sa Kapuso actress.

“Cams! Congratulations on your new show! May God bless you and everyone involved. Huuugs! Miss you!” sey ni Jodi sa kanyang text kay Camille.

Sinagot ito ni Cams ng, “Ate Joedz!!! Kinilig ako! Thaaaank you!!! Miss you and hoping to bump into you soon! It’s been so long!”

Masayang ipinost ‘yon ni Camille sa Instagram, na ang caption niya ay, “Best part of my day! Sob­rang kinilig ako! Thank you Ate @jodistamaria. Our shows are airing on the same slot and yet so much love for each other. Spreading love and positivity all around!”

Katapat ng morning romcom series ni Camille with Neil Ryan Sese na Ang Forever Ko’y Ikaw ang Kapamilya serye ni Jodi with Robin Padilla and Richard Yap na Sana Dalawa ang Puso.

Bago pa nagsimula ang show nina Camille ay kinakantiyawan na siya ng press na pantapat siya ng GMA kay Jodi, na medyo ikina-tense ni Cams dahil big fan daw siya ni Jodi at gusto niya ito not only as an actress but also as a person.

Ang cute lang na deadma sila sa network war. Nagpapatunay din na walang anumang insecurity sa katawan si Jodi at trabaho lang ang lahat.

Actually, nang i-offer ito kay Camille ay hindi pala niya alam na itatapat sila sa show ni Jodi.

Kampante si Cams na walang magiging isyu sa kanila dahil magkaibigan sila ni Jodi at may pinagsamahan sila noon sa Tabing Ilog.

Sey ni Camille, positivity at good vibes ang hatid ng kanilang programa at friendly competition lang ito.

Sa mga naging show niya ay sobrang proud si Camille sa Ang Forever Ko’y Ikaw na very light na pampakilig sa umaga at nagbibigay ng pag-asa.

Noong Lunes nagsi­mula ang Ang Forever Ko’y Ikaw sa GMA bago mag-Eat Bulaga.