Camille at Ryan pantapat kina Jodi, Richard at Robin

SI Camille Prats nga ba ang pantapat ng GMA kay Jodi Sta. Maria ng ABS-CBN?

Si Camille kasi ang bida sa bagong morning romcom series ng Kapuso network na Ang Forever Ko’y Ikaw na makakatapat ng show ni Jodi with Richard Yap and Robin Padilla sa kabila.

“Naku, parang pinawisan ako du’n sa tanong mo, Kuya Allan! Siyempre, I’m thankful because I was trusted with a project na ganito. Pangalawa, siyempre may kaba, kasi I am a big fan of Jodi. Isa ako sa mga nanonood sa programa niya.

“I like her not only as an actress but also as a person. But I believe na maraming audience and simple lang ‘yung show namin, simple lang din kaming mahalin.

“Sana ‘yung goal namin na makapagpasaya lang at magpakilig tuwing umaga, lalo na du’n sa mga kagaya ko na may pinagdaanan na sakit sa buhay ay magawa namin,” sey ni Camille, na naniniwalang may laban ang show nila sa katapat na programa.

Sobrang proud daw si Cams sa show na ito, na ang leading man niya ay si Neil Ryan Sese na nag-level up dito sa pagka-romantic leading man.

Walang problema kay Cams kung pagtapatin man sila ngayon dahil friendly competition lang ito at ang goal daw nilang lahat ay mag-entertain at mapasaya ang mga tao.

Sa March 12 ang simu­la ng Ang Forever Ko’y Ikaw bago mag-Eat Bulaga.

KZ pinag-kaguluhan sa China

Nakaka-proud si KZ Tandingan dahil kilala na siya ng mga Chinese.

Maraming natuwa sa pinost na video ng manager ni KZ na si Erickson Raymundo sa Instagram na ang daming nagpapiktyur na foreigners kay KZ nang minsang mag-shopping siya sa Changsa Mall doon sa China.

As in naging instant photo op ‘yon para sa kanyang Chinese fans, na bukod sa pictures ay may nagpapa-autograph din.

Ang saya na nare-recognize si KC ngayon kahit ng non-Filipinos dahil sa magandang exposure niya at sa husay na ipinapakita niya sa Chinese TV show na Singer 2018.

Nangabog si KZ sa unang sabak niya bilang second challenger of the season dahil sa payanig na version niya ng Rolling in the Deep ni Adele sa week 5 ng competition.

Sa week 6 na na­ngahas siyang umawit ng medley of Mandarin songs ay nag-#6 lang si KZ kahit ang dami niyang pinaiyak sa kanyang mapusong performance.

Bumawi siya last week nang mag-4thplace siya sa week 7 nang kantahin niya ang Say Something, to think na last minute song choice lang ito.

Maging ang American duo na A Great Big World na original singer ng Say Something ay napa-“wow!” sa version ni KZ.

Marami ring natutuwa sa growing friendship nila ng British pop star na si Jessie J, na isa sa mga katunggali niya sa show. Idol ni KZ si Jessie at parang hindi pa rin siya makapaniwala na magkalaban silang dalawa.

Every Friday ang Singer 2018, pero walang episode kahapon dahil sa broadcast ng Lantern Festival Gala sa Hunan TV.

Sana nga ay manalo si KZ sa Singer 2018 at ma-penetrate niya ang international market dahil dito!