Camp Aguinaldo tatawaging Camp General Antonio Luna

Ipinanukala ni House Deputy Speake­r Johnny Pimentel na pa­litan ang pangalan ng Camp Aguinaldo headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Camp General Antonio Luna bilang pagkilala sa Filipino revolutionary leader na si Antonio Luna.

Sa ilalim ng House Bill No. 4027, ipinunto ni Pimentel na si Luna ay inila­rawan ng mga historian bilang pinakamatalino at pinakamatapang sa hanay ng mga Filipino general noong Philippine-American War.

“Luna deserves greater recognition for his patriotism and military prowess,” sabi ni Pimentel.

Si Luna ang commanding gene­ral ng Philippine Republic Army sa loob ng 134 days noong panahon ng giyera hanggang sa i-assasinate ito noong June 5, 1899 sa Cabana­tuan, Nueva Ecija.

Kinilala din ang kagitingin ni Luna ng mga US military officer noong Phi­lippine-American War.

“Our bill seeks to honor and accord ‘The Fiery General’ the nobler distinction and prominence that he rightfully deserves,” sabi pa sa Pimentel. (Prince Golez)