Camp Karingal ni-lockdown, 14 tauhan COVID positive

Matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 14 na personnel sa Camp Karingal sa Quezon City Police District (QCPD), nilagay ito sa lockdown, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, 219 ang sumailalim sa target group testing, sa 115 resulta na lumabas, 14 ang positibo. Kabilang dito ang isang miyembro ng Joint Task Force, habang 10 sa District Headquarters, at tatlo sa QCPD community precinct.

“Considering the fact that those who tested positive were previously tasked in the implementation of the Enhanced Community Quarantine in Quarantine Control Points, it was deemed necessary to immediately conduct preventive measures and reactionary protocol to ensure that the virus will not thrive and infect more of our fronline workers.” ani Sinas.

Habang naka-lockdown umano ang kampo, magkakaroon ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo, aalamin ang status ng iba pang sumailalim sa COVID-19 test at kung may iba pang kailangang ipa-test o isolate, at magsasagawa din ng disinfection sa buong Camp Karingal.

“Our most important resource against this battle is our human resource. Hence, we opt to implement all possible measures to ensure their safety and guarantee that they are in their optimum health condition as they go to the frontline to face the unseen deadly virus. I commend the action taken by QCPD in handling this crisis well. We pledge all the necessary support that we can provide to alleviate the impact of this crisis to QCPD. May the good Lord bless and protect us all,” dagdag pa ng NCRPO chief.

Martes ng gabi inaasahang matatapos ang lockdown. (Dolly B. Cabreza)