Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre, San Juan)
5:00 pm – Chery Tiggo vs PLDT
7:00 pm – Marinera vs Generika

Agawan sa panalo ang puntirya ni import Elizabeth Vicet Campos at Generika-Ayala Lifesavers kontra Marinerang Pilipina Lady Skippers sa 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 eliminations closed door games mamaya sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Pinasya ng PSL kahapon na isara na lang muna sa publiko ang dalawang laro bilang hakbang sa pag-iingat sa coronavirus.

Galing sa pagkalugmok ang dalawang panig sa kanilang mga nakaraang laban kaya hangad ng isa’t isa na makabawi sa tapatan sa alas-7:00 ng gabi sa season-opening conference women’s indoor volleyfest.

Hindi pinalad ang Generika-Ayala (0-1) nitong Marso 3 kontra Cignal HD Spikers, 25-19, 18-25, 20-25, 20-25.

Kapos ang 21 point ni reinforcement Vicet Campos at 13 marker ni Eli Soyud para sa Lifesa­vers. (Janiel Abby Toralba)