Canadian na nireklamo ng Pinay hinarang sa NAIA

Hindi pinayagang makalabas ng bansa g mga tauhan ng Bureau ofImmigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Canadian national dahil sa kasong kriminal na isinampa ng isang Pinay.

Sa ulat na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang pasahero na si Nelson William Paul Mayko, 56, na naharang noong Biyernes sa NAIA terminal 1 habang pasakay ng Korean Airlines flight papuntang Incheon, South Korea.

Nabatid sa ulat si Mayko ay pinigil mula sa pag-alis pagkatapos matuklasan na nasa alert list ito ng mga dayuhan na may nakabinbin na kasong kriminal.

“Our officers also determined that aside from the said criminal case, a complaint for undesirability and working without permit was also lodged against him before the BI law and investigation division,” anang opisyal.

Ayon sa rekord ang dayuhan ay sinampahan ng kasong paninirang puri at grave coercion ng isang babaeng negosyante na nagmamay-ari at nagpapatakbo ng mga stall sa pampublikong pamilihan sa Bgy. Plaza, Tanay, Rizal.

“The Canadian’s case should serve as another warning to other foreigners that their stay in the country is not a right but a mere privilege, thus they should not abuse Philippine laws and its citizens,” sabi ni Morente. (Mina Aquino)