SAN JOSE DE BUE­NAVISTA, ­Antique — Umeksena si cancer survivor Daniela Reggie dela Pisa ng Central Visayas nang maging unan­g rhythmic gymnastics triple gold winner kasabay sa pagbubukas ng 60th Palarong Pambansa kahapon sa Binirayan Sports Complex dito sa ilalim nang napakainit at maalinsangang panahon.

Singganda ng 14-year-old Cebuana at University of Visayas student ang kanyang liksi at suwabeng galaw sa girl’s rhythmic gymnastics sa Evelio B. Javier Stadium ilang oras bago ang opening ceremonies na main guest at speake­r si President Rod­rigo Duterte.

Tatagal ng siyam na araw ang sports fest ng Department of Education sa liderato ni Secretary Leonor Magtolis-Briones, suportado ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William Ramirez at hinu-host ng Antique provincial government sa pangunguna ni Gov. Rhodora Cadiao.

Namayagpag si Dela Pisa sa rope sa 9.46 points, sa ball (9.80)  at hoop (9.72) bukod pa sa second bronze sa clubs (8.82). Tumersera rin siya noong Sabado kay all-around individual winner Divina Sembrano ng NCR.

Naka-two gold ang back-to-back 2015 Davao del Norte at 2016 Albay Palaro elementa­r­y­ school division champio­n na si Sembra­no noong Sabado sa pamamayagpag sa free hand, rope, balls at clubs tungo sa individual all-around score  39.05 para makaungos kina NCR teammate Krystal Magui­dato (37.37) at Dela Pisa (36.88).

Inakay tapos ni Sembrano sina Maguidat­o and Jhazelle Louise Lemenzon (36.88) sa pagdakma rin ng NCR sa team all-around mint sa 113.26 points at pagpapa­buntot na lang nila sa Western Visayas (100.38) at Southern Tagalog (82.90) sa silver at bronze.