Largado ang dalawang araw na championship rounds ng World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby bukas, Sabado, June 1 at sa Linggo, June 2 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Mga isponsor ang Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, The Sabong Chronicles, Journal Group, Pilipino Mirror, Saksi Ngayon at Diaryo Bomba.
Kasali sa 4-cock finals bukas ang mga umiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 points habang sa Linggo ang mga makaka-4, 4.5 at 5-marker sa 4-cock grand finals.
“It’s still anybody’s race at this point and a participant can wrest the championship with four more victories,” ani Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano nitong Huwebes.
Sa 2018 World Slasher Cup 2 9-Cock Derby, 7.5 puntos lamang ang iniskor nina Rey Briones ng Masbate at Rod Advincula ng Bulacan (Green Gold Uno) na tinanghal na solo champ.
Nangunguna sina Rey Canedo ng Team Excellence at baguhang si Atty. Henry Tubban ng Ilocos nang umiskor ng 5 -0 (panalo-talo) tungo sa grand finals sa Linggo. (Enjel Manato)