Canino, Capilitan, Azote wagi sa CDO chess

Dinomina ni ­Romeo Canino ang tatlong matches para hablutin ang juniors crown, ­hindi naman naglubay si ­Euniel Capilitan para makuha ang kiddies ­title sa 24th Shell ­National Youth Active Chess Championship Northern Mindanao leg sa Cyberzone ng SM City Cagayan de Oro nitong weekend.

Solo-champion ang Liceo de Cagayan stalwart na si Canino sa 13-16 category sa nalikom na 8.5 points. Inupuan ni Aldin Ranario (8 points) ang isa pang sil­ya sa national finals.

Sinelyuhan nina ­Capilitan at Kiel Villa ang top 2 spots sa 7-12 age division.

Sa seniors, tied for first sina Ahmad Ali Azote at Diego Caparino sa parehong 8 points.

Napunta kay Azote ng Agusan National HS ang titulo sa bisa ng mas mataas na tiebreak score.

Ang top female players­ sa tatlong divisions na sina Regina Quinanola ng Malabuyoc­ Central School (kiddies, 7 pts), Mary Joy Tan ng Jasaan NHS (juniors, 7pts) at Janes Caingles ng Holy Cross of Davao College (seniors, 6pts) ay biyaheng national finals din sa Oct. 1-2 sa SM Megamall.