Pinag-iingat ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko sa paggamit ng imported Cannabidiol (CBD) oil na sinasabing may ma­laking itinutulong sa pangkalahatang kalusugan ng isang indibidwal at maaaring gamitin bilang pain reliever.

Ipinaliwanag ni PDEA Director General Aaron Aquino na nakaka-adik ang CBD dahil may sangkap ito ng tetrahydrocannabinol o THC, na isang kemikal na may ‘marijuana’s psychological effects,’ na ipinagbabawal sa batas.

“If you are still unsure about whether CBD oil is safe for yourself or your pet, learn about some of its most popular side effects. The law dictates that any variety and derivative from marijuana including CBD is prohi­bited,’’ giit ni Aquino.

Ang pahayag ni Aquino ay dahil na rin sa panibagong napaulat na trafficking ng CBD oil gamit ang mail at parcel service, bukod pa sa lantarang naibebenta aniya ito sa mga online shopping platform sa bansa.

Pinayuhan din ni Aquino ang publiko na isurender ang anumang mga produktong may mga sangkap ng CBD sa mga PDEA regional office. (Dolly Cabreza)