Cansino tuloy ang ragasa kahit maysakit

Inamin ni University of Santo Tomas rookie CJ Cansino na masama ang kanyang pakiramdam matapos matalo laban sa Adamson University 77-71 Sabado nang hapon.

Sinabi ni Cansino na bago pa magsimula ang laban ay masakit na ang kanyang ulo at nahihilo na siya.

“Nu’ng nagpi-pregame pa lang, sobrang sakit na ng ulo ko tapos med­yo nahihilo na ako kaya pipikit-pikit ako kanina sa game,” sabi ni Cansino sa mga reporter pagkatapos ng kanilang laban.

“Naduduling din ako at nahihirapan akong huminga kaya nagpapa-sub ako, sinasabi ko agad kay coach,” dagdag pa niya.
Kahit maysakit, umiskor pa rin ng 18 points at nakakuha ng anim na rebounds si Cansino.

Samantala, sinabi naman ni Growling Tigers head coach Aldin Ayo na hindi na siya nagulat sa inilaro ni Cansino. ()