Car smuggling sa dagdag buwis

Sherwin 'Win" Gatchalian

Pinangangambahan ng isang senador ang pamamayagpag ng car smuggling oras na ipapataw na ang dagdag na excise tax sa mga luxury vehicles.

Kaya ngayon pa lamang ay binalaan na ni Senator Win Gatchalian ang Bureau of Customs (BOC) na paghandaan na ang ganitong sitwasyon.

Naniniwala ang senador na maraming stakeholders sa automobile industry ang pumasok sa underground trading ng mga high-end vehicles upang takasan ang mataaas na excise taxes.

Dahil dito, ayon sa senador, kailangang magkaroon ng mahigpit na estratehiya ang BOC upang hindi magresulta sa paglaganap ng smuggling ang panukalang pagtataas ng buwis na ipapataw sa mga luxury vehicles.