Kulungan ang bagsak ng babaeng car wash attendant nang mabuking ang sideline nitong pagbebenta ng shabu sa operasyon na ginawa sa Kawit, Cavite.
Nasa Imus Custodial Center ang suspek na si Maria Isabel Gumba, 21, ng Brgy. Wakas I, Kawit, Cavite.
Isinagawa ang buy-bust, laban kay Gumba alas-3:30 Linggo nang hapon, matapos makatanggap ng tip ang Kawit Municipal Police Station hinggil sa umano’y ‘bulong’ nito sa mga nagpapa-car wash na ibig sabihin ay iligal na droga.
Tatlong sachet ng shabu ang nakumpiska kay Gumba, na haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.