Carandang, Almazan magkukuwento sa PSA

Peñalosa, atbp sa PSA Forum

Paksa sa linguhang sesyon ngayon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila sa Jorge Bocobo, Malate ang dalawang nalalapit na cage finals.

Magsasadya ang mga kinatawan ng Marinerong Pilipino at BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa alas-10:00 ng umagang talakayan para sa best-of-three title series ng 9th PBA D-League Foundation Cup 2019.

Sasamahan sila sa mga pa-forum ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel Manila, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ng Women’s National Basketball League (WNBL) finalists PSI-Air Force Lady Air Defenders at Taguig Lady Generals.

Representante sina coach Diana Carandang at players Ambie Almazan, Anna Regina Buendia, at Katherine Sandel ng Air Force sa balitaktakang naka-livestream via PSA Facebook page fb.com /PhilippineSportswritersAssociation at may delayed basis airing sa Radyo Pilipinas 2 ng ala-1:00-2:00 ng hapon at sa alas-6:30 ng gabi.

Inaanyayahan ni PSA president Tito Talao ng Manila Bulletin ang mga miyembro na dumalo sa forum.