Parang kailan lang ay nagpapakipot pa ang rapper na si Cardi B sa dyowa niya at ama ng anak niya na si Offset. Nandoon pa rin kasi ang takot sa puso niya na sa oras na magkabalikan sila ay bumalik ang inaayawang ugali nito.
December 5 nang inanunsiyo ni Cardi B ang split nila. Pero nitong December 21 ay namataan ang dalawa na magkasama sa Puerto Rico.
Nakaangkas si Cardi at nakayakap kay Offset na nagmamaneho ng jet-ski.
Ayon sa witness ng TMZ, naglalambingan pa raw umano ang dalawa at nagbakasyon kasama ang ilang mga kaibigan.
Mukhang epek ang public apology ni Offset sa Instagram na kung saan ay humihingi siya ng tawad kay Cardi na bigyan siya ng second chance. Hiling rin kasi ni offset na sana ay buo sila ng Pasko at makasama ang anak nila na si Kulture Kiari Cephus.
Hindi pa opisyal na ibinabahagi ni Cardi kung nagkabalikan na ba talaga sila pero sigurado ang mga fan na ayos na sila. Hindi rin kasi basta-basta mabubuwag ‘di lang dahil sa may anak sila kundi sa bali-balitang kasal na raw talaga ang dalawa. (Ronaline Avecilla)