Cardinals sopla uli kina Jaycee, Jayvee

Cardinals sopla uli kina Jaycee, Jayvee

viva pirata

STANDINGS
TEAM W L
SBU 15 0
LPU 11 3
CSJL 9 6
SSC-R 7 6
MU 7 7
CSB 6 7
JRU 4 9
AU 4 10
UPH 3 10
EAC 3 11

Mga laro bukas:

(FilOil Flying V Center, San Juan City)
2:00 p.m. – AU vs CSJL
4:00 p.m. – JRU vs SSC-R

Partners in crime ulit ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino nang mag-init sa opensa at manibelahin ang Lyceum Pirates sa muling pagpaligo sa Mapua Cardinals, 77-71, sa third game Martes ng gabi sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2nd round eliminations sa FilOil Flying V Centre.

Umarangkada si Jaycee ng 14 points at bakas si Jayvee ng 10 points upang ibigay sa LPU ang ikalimang kabit na panalo tungo sa 11-3 baraha at paderan ang segunda.

Umagapay rin si Cameroonian Mike Nzeusseu ng 13 markers at 13 boards para sa sa mag-utol upang ibalandra ang kapitbahay sa Intramuros sa 7-7 hulog sa ika-5 puwesto.

Nagbadya pa si Justin Serrano na iresbak ang MU sa 1st round tormentor nang magbaon ng tatlong sunod na trey sa huling yugto ng laro upang idikit sa 58-56 ang kampo. Pero binutata ng mga Marcelino ang Cards.

“We kept our momentum intact,” suma ni Lyceum coach Topex Robinson. “We just sustained the energy and try to be composed especially when they had that run down the stretch.”

Nabalewala ang 17 pts. ni Serrano at 15 minarka ni Warren Bonifacio sa pagkatikim ulit ng lahat sa Lyce tapos ng 79-71 nitong Hulyo.

16 markers at 6 boards naman ni Calvin Oftana ang nagpaulit sa league-leader at defending champs San Beda Red Lions kontra (15-0) kontra Letran Knights (6-9).

At gumatilyo ng 22 puntos si Jethro Mendoza para gantihan ng Aguinaldo Generals (3-11) ang Arellano Chiefs (3-10), 80-76. (Aivan Episcope)