`Cardo Dalisay’ nag-sorry

Matapos paulanan ng banat, biglang atras ang Kapamilya actor na si Coco Martin na mas kilala sa bansag na `Cardo Dalisay’ sa mga naging tirada nito kay Solicitor General Jose Calida kaugnay nang pagsasara ng ABS-CBN.

Sa Instagram post ng aktor, sinabi nito na naiintidihan na niyang ginawa lang ni Calida ang kanyang trabaho nang balaan ang National Telecommunications Commission (NTC) na huwag payagang mag-operate ang ABS-CBN.

Saad ni Coco, nadala lang siya ng bugso ng damdamin sa kanyang mga naunang nasabi nang biglang mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng network.

“Alam ko po na mabuti kayong tao. Kung ano man po ang inyong nagawa maaring tawag po ‘yon ng inyong tungkulin,” pagpapakumbaba ni Coco, kung saan makikitang nakapatong ang mukha ni Calida sa kanyang ginampanan na karakter sa ‘Ang Probinsyano’ na si Carlo Dalisay.

Humingi din siya ng pasensya kay Calida sa mga nasabi at isa na ang pangtatarantado umano sa mga Pilipino dahil sa ABS-CBN shutdown.

“Pasensya na po kao kung may mga nasabi po kami na galit sa aming dibdib at sana maunawaan niyo din po ‘yon,” sey ni Coco.

“Ipag darasal ko na lumiwanag po sana ang inyong isipan at kung sino man po ang nag utos na inyo! kung sakaling dina po kami makabalik maraming maraming salamat po sa inyong lahat! Sa lahat ng sumubaybay sa halos limang taon sa aming teleserye!,” pagtatapos na pahayag ni Coco sa kanyang Instagram.

Marami sa mga netizen ang biglang nagulat sa nag-ibang tono ng aktor.

Ayon kay nicolienicole: “Mga artista feeling entitled!!!!!!!!!! Biglang nag iba ihip ng hangin??

Djoibonita: “Idol kita Coco pero anyare sayo? 😣 gingawa mo sa mga post mo?”

Bukaymoto: “Lagi mo sinasabi sa may nag utos na ipasara abs cbn bkit ndi mo tukuyin kung cno ung nag utos? Matapang ka db? Kaya ssbihin mo kung cno ang nasa likod ng pagpapasara ng abs cbn. Dami mong daldal pra kang babae n bagong raspa.”