Malamang maging pangunahing sandata sina ex-pros Mark Cardona at Larry Rodriguez para sa pampitong ragasa ng defending champion San Juan upang masolo pa rin ang tuktok at mapanatili ang imakuladang marka pagsalpok sa Bataan sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa Legazpi City.

Sabwatan sina Cardona at Rodriguez nang huling managpas ang Knights, kontra Parañaque, 81-65, nitong Martes sa Caloocan City Sports Center na rito’y bumutas ang una ng 16 points at ang huli ay may 13 markers para sa 6-0 franchise-best start.

Pero ang Risers na ang pinakamalaking hamon ng SJ sa alas-7:00 ng gabing salang kontra nasa pangwalo sa Group A (North Division) rinsa 3-3 at ga­ling sa pagtayo laban Muntinlupa, 83-56, sa araw na huling nanalasa ang Knights. Binuhat ang Bataan doom ng 20 pts. ni Alvin Pasaol.

Sa alas-9:00 ng gabi naman magtutuos ang nasa fourth spot sa Group B (South Division) na GenSan (5-2) at nasa ikawalong Iloilo (3-3). (Aivan Espicope)