Mga laro mamaya: (Lagazpi City)
7 p.m. – San Juan vs Bataan
9 p.m. – Iloilo vs Bicol

Malamang maging pa-ngunahing sandata sina ex-pros Mark Cardona at Larry Rodriguez para sa pampitong ragasa ng defending champion San Juan upang masolo pa rin ang tuktok at mapanatili ang imakuladang marka pagsalpok sa Bataan sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa Legazpi City.

Sabwatan sina Cardona at Rodriguez nang huling managpas ang Knights, kontra Parañaque, 81-65, nitong Martes sa Caloocan City Sports Center na rito’y bumutas ang una ng 16 points at ang huli ay may 13 markers para sa 6-0 franchise-best start.

Pero ang Risers na ang pinakamalaking hamon ng SJ sa alas-siyete nang gabing salang kontra nasa pangwalo sa Group A (North Division) rinsa 3-3 at galing sa pagtayo laban Muntinlupa, 83-56, sa araw na huling nanalasa ang Knights. Binuhat ang Bataan doonm ng 20 pts. ni Alvin Pasaol.

Sa alas-nuebe nang gabi naman magtutuos ang nasa fourth spot sa Group B (South Division) na GenSan (5-2) at nasa ikawalong Iloilo (3-3).(A­ivan U. E­spicope)