Cardona stable na sa Makati Med

Nilipat na noong Lunes ng hatinggabi si MacMac Cardona sa Makati Medical Center at bumubuti na ang kalagayan matapos ma-overdose sa pag-inom ng sobrang gamot.

Hinala ng kapatid ni MacMac ay nagtangkang mag-suicide ang player na kilala sa bansag na Captain Hook.

Bago uminom ng pills si Cardona ay nagreklamo umano ang kinakasama nito sa istasyon ng pulisya sa Quezon City dahil sinasaktan daw siya ng 34-an­yos na player. makaraang gulpihin umano ang kanyang kinakasama noong Linggo.

Inihayag ni NLEX team manager Ro­nald Dulatre na patuloy na aasistehan ng Road Warriors si Cardona hanggang sa kanyang recovery.

Kabilang ang MMC sa MVP Group of Companies.

Nasa reserved list ng NLEX si Cardona matapos maaksidente sakay ng all-terrain vehicle ilang buwan na ang nakakaraan.