Umabot sa ikala­wang alarma ang nangyaring sunog sa isang cargo company sa Valenzuela City kahapon.

Ayon sa Valenzuela City central fire station, dakong alas-4:22 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa Aquair Cargo Movers Co., na matatagpuan sa Sitio Sulok, Ugong sa nasabing lungsod.

Idineklara itong under control alas-4:45 nang hapon.

Wala naman umanong naitalang namatay o nasaktan sa sunog habang inaalam pa ang sanhi ng apoy at halaga ng natupok na ari-arian.