Ligtas ang lahat ng 12 crew member ng Boracay-bound na cargo vessel na may lamang mga bato at buhangin na lumubog sa katubigan ng Caticlan sa Malay, Aklan noong Linggo ng umaga.
Ayon kay Capt. Armand Balilo, spokesperson ng Coast Guard, namataan ang LCT Bato Twin vessel na nakalubog ang kalahati ng katawan sa lugar bandang alas-10:25 ng umaga. Galing umano ito sa Sambiray port sa Malay patungo sa Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay Island.
Mabilis na sumaklolo ang Coast Guard upang iligtas ang mga pasahero ng barko na kalaunan ay lumubog na rin. Wala pang report hinggil sa dahilan ng paglubog nito.
“Further information also states that said LCT is carrying diesel as its fuel. It’s already okay, the only problem is the oil, but it seemed okay, there is no (spill). It’s carrying diesel,” sabi ni Balilo.