PAGKATAPOS ng show namataan namin si Carla Abellana na parang pumayat pa at lalong gumanda. Nasa Kashieca na pala siya, kaya hindi na siya naka-join sa show.
Hiningan namin siya ng reaksyon sa bonggang bukol ni Tom na isa sa pinag-usapan pagkatapos ng event.
Safe na sagot ni Carla: “Lagi naman po siyang ano eh…kumbaga, parang ang hirap na lumagpas o lumipas ang isang Bench show na hindi pinag-uusapan yun.
“Siyempre, ang mga tao nabibigla, nasu-surprise.”
Sinundot namin ng tanong na hindi na ba siya sa nasu-surprise doon kay Tom?
“Halos hindi ako makatingin eh. Ako kasi kinakabahan ho ako eh. Ano lang sa cellphone lang lagi, video, pictures,” sagot ni Carla.
Basta masaya na raw siya para sa nobyo dahil maganda naman daw ang feedback sa pagrampa nito at sulit naman ang hirap na pinagdaanan niya sa preparation ng pagrampa niya.
“Sabi ko sa kanya, matatapos din yan, makakain ka na rin.
“Alam ko po yung preparation niya eh, at nakita ko yung pinagdaanan niya for the past few months. Well, super proud,” masayang pahayag ni Carla.