tonite-this-is-it-roldan-castro

Pinalakpakan ng kani-kanilang mga fan ang acting prowess na pinakikita nina Carla Abellana at Sophie Albert sa well-loved series na Pamilya Roces bilang sina Crystal at Amber.

Para sa mga follower ni Carla, kering-keri nito ang kahit anong role pa ang ibigay sa kanilang idolo. Ginulat sila ni Carla lalo na’t panalong-panalo pala ito ‘pag nagtataray. Ang mga fan naman ni Sophie, ayaw magpatalo. Mas havey daw ang pagbabaklang ginagawa nito on-cam.

Pero balita namin, mas nakakaloka pa ang magi­ging hidwaan ng mga karakter nila sa serye sa mga susunod na episodes, ha!

Nako, malalaman na kaya natin sino ang magwawagi?

Megan, Katrina tapos na ang sabunutan

Magwawakas ngayong araw na ito ang The Stepdaughters. Tapos na ang sabunu­tan, sampalan at sakitan nila.
Sino ang mami-miss ni Megan?

“Of course lahat ng tao na nakawork ko sa series. From the production na sobrang babait, to our director. Wala kasi kaming ginawa rito kundi tumawa after each take. Pero ang pinakamamimiss ko talaga is si Katrina (Halili) I never thought magiging ka-close ko siya. Kasi ang dami kong natutunan sa kanya pagdating sa pag-arte. ‘Yung pinakagusto ko dun is yung pagsampal na parang totoo pero acting lang pala,” she smilingly said.

Sey naman ng leading man niyang si Mikael Daez, “The Stepdaughters is special for me because ito yung unang soap na magkasama kami ni Megan. But yung pinaka-unforgettable experience ko rito is ‘yung mga eksena ko with Sef (Cadayona) and EA (Guzman), kasi nagkaroon kami ng bond. Napakakukulit kasi nila and they don’t make you feel like this is work. Talagang masaya lang.”

Lahad ni Katrina, “Mamimiss namin yung samahan…nakakalungkot pero happy kami na nakilala namin ang isat isa. Sa trabaho kasi importante na okay ka sa lahat, para everytime na papasok ka, happy kayong lahat.”
Boom!

***

May pasabog bukas sa birthday show ng President ng Manila Entertainment Circle of Heart Association na si Gellie Imperial na “Queen of the Dance Floor” back to back ng pre-finals ng Mr. White Bird 2019. Gaganapin ito sa White Bird Entertainment Bar, ngayon. Oct.19, 9:30 PM. Matatagpuan sa Roxas Blvd. malapit sa Baclaran.

“10 years na ko sa WB bilang ma­nager pero sa entertainment industry 16 years na halos,” sambit ni Gelli.
Ano ang natutunan niya bilang manager ng bar?

“Ok naman, masaya. Nag-i-enjoy naman ako. Natutunan ko ang pakikisama at samahan ng pagkakaibigan. Kahit sa mga kalaban sa industriya, friendly competition naman ang turing­ ko at di ka-kompetensya,” lahad pa niya.
Ano ang birthday wish niya?

“Good health sa family and more years sa WB,” pakli pa niya.

Sa mga gustong makisaya sa birthday show ni Gelli at makita ang mga nagguguwapuhang kandidato sa Mr. White Bird tumawag sa 8512088-89, 09279074623.