WAGI si Carla Abellana na Best Comedy Actress for TV para sa kanyang GMA show na Ismol Family sa 2nd Alta Media Icon Awards.
Sa Instagram, masayang inihayag ito ni Carla, “Maraming salamat, @gmanetwork and @ismolfamilygma. Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng 2016 Alta Media Icon Awards. Magkita-kita po tayo sa awarding ceremony!” Congrats, Kapuso!
***
Kinausap ni Kuya ang ilan sa teen housemates at pinaalalahanan sa dapat nilang iasal matapos niyang mapansin na masyado nang nagiging close at kumportable sila sa isa’t isa sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.
Hiwalay niyang pinatawag sina Heaven Peralejo at Edward Barber, na kakaamin lang sa isa’t isa ng kanilang nararamdaman, at pinagsabihan sa pagiging touchy nila.
“Natutuwa ako na nagkakakilalanan kayo ng mga housemate mo at nagiging close kayo. Pero kaunting payo mula sa isang Kuya, hindi lang magandang tingnan ang pagiging touchy,” sabi ni Kuya kay Heaven.
Nagpakumbaba si Heaven at inaming hindi napansin na masyado na silang nagiging malapit ni Edward.
Ipinaunawa ni Kuya sa half-British na binata na iba ang sitwasyon sa Pilipinas at sa England na pinanggalingan nito.