
Hindi natanong si Carlo Aquino kahapon sa grand mediacon ng “Ulan” tungkol sa rumored girlfriend niya na nangangalang Trina Candaza dahil pinagbawalan ang entertainment press na magtanong ng hindi tungkol sa pelikula.
Kaya tuloy hindi niya nalinaw kung girlfriend ba niya talaga ang naturang girl na nag-trending nang makunan sila ng larawang magkasama last January at talaga namang ikinawindang ng mga CarGel (fans nina Carlo at Angelica Panganiban).
Kapansin-pansin din na parang wala ang utak ni Carlo sa presscon although nagpa-participate naman siya kapag tinatanong siya. After the presscon ay umalis agad ang aktor kaya hindi talaga nagkaroon ng chance na ma-interview siya nang solo.
Si Carlo ang isa sa leading men ni Nadine Lustre sa pelikula along with Marco Gumabao.
When asked kung kumustang katrabaho si Nadine, ani Carlo ay very professional daw pero malakas daw pala itong kumain. Pero one thing in common nila ay pareho silang mahilig sa music.
Wala rin daw silang ilangan sa isa’t isa at kumportable na agad sila sa simula pa lang.
May konseptong tikbalang ang pelikula at ayon kay Carlo, naniniwala raw siyang may mga elementong ganito sa ating mundo though hindi pa raw siya nakakakita.
“Pero ‘yun nga, sa sobrang laki nitong mundo, hindi naman puwedeng tao lang ang naninirahan, ‘di ba? Baka hindi lang sila talaga nagpapakita,” he said.
Natanong din kung paano nila ipinagdiwang ang Valentine’s Day at ayon kay Carlo ay sa bahay lang daw siya kasama ang kanyang parents.
Showing on March 13 mula sa direksyon ni Irene Villamor under Viva Films, ang “Ulan” ay isang romantic drama tungkol kay Maya (Nadine) na lumaki sa piling ng mga lola at namulat na mayroong tikbalang. Sa tuwing may magandang nangyayari sa kanya ay biglang bumubuhos ang ulan.
Thea bet makakita ng hubad na Thailander
Gustong makakita ng mga hubad na lalaki ni Thea Tolentino kaya gusto niya sanang pumunta sa Thailand para ma-witness ang Songkran Festival pagkatapos ng “Asawa Ko, Karibal Ko.”
“Dapat magso-Songkran ako sa April. Sa Thailand, water festival. Kasi excited akong makakita ng mga. . .may mga hubad daw do’n,” natatawa niyang sabi nang makapanayam namin sa taping ng AKKK.
Pero joke lang naman daw ‘yun at ang gusto niya talaga ay ma-experience ang water festival ng ibang bansa.
Dito raw sa atin ay naka-experience na siya ng water festival sa Rizal at na-trauma raw siya.
“One week kong ayaw maligo. Kasi po nu’ng um-attend ako ng basaan festival sa Rizal, nakakaloka, nasa tricycle ako, kasama ko si ate Tess Bomb, 6am, nabasa kami. Na-trauma ko. Basa ako hanggang 1pm,” kuwento ni Thea.
Bakit gusto niyang makakita ng hubad na Thailander?
“Parang iba lang. Hindi pa ako nakakita ng as in walang paki ‘yung mga tao, lakad lang ng lakad, fun-fun lang. Pero siyempre, hindi ako maghuhubad.”
Mukhang masaya raw ang Songkran Festival na gaganapin on April 10-15 kaso ay parang hindi raw nga siya available dahil may thesis defense daw siya sa April 13.
Kasalukuyang nag-aaral pa si Thea taking up Public Administration.
Samantala, ngayong magtatapos na ang AKKK ay nalulungkot na si Thea at nase-sepanx (separation anxiety).
“At the same time, lahat din kami napagod, tapos gusto naming mag-travel,” sey niya.
Pero hindi nga raw siya makakapag-travel kaya baka raw magpa-spa na lang sila ni Kris Bernal.