Carlo pumiyok sa panliligaw ni JM kay Angelica

MASAYA naman si Carlo Aquino na malamang muling nabuhay ang CarGel fans nila ni Angelica Panganiban. Ang mga nasabing tagahanga nila ang kilig na kilig ngayon sa magandang relationship nila now at needless to say, gusto ng mga ito na maging sila na lang ulit.

“Hindi ko alam na nandiyan pala sila (CarGel fans). Pagkatapos ng napakatagal na panahon…thankful,” ang reaksyon ni Carlo sa video interview na in-upload sa YouTube ng StarsPhotog Vidz.

Pero hindi naman daw siya nape-pressure sa pagpu-push ng fans na magbalikan sila. Sey ni Carlo, sa ngayon ay talagang ine-enjoy lang niya ng mga nangyayari dahil napakaraming dapat ipagpasalamat especially when it comes to his c­areer.

Asked kung wala ba siyang planong ligawang muli si Angelica, aniya, ay wala pa raw dahil fresh pa nga ang break-up nila ng last girlfriend niyang si Kristine Nieto.

Ang kinumpirma niya ay may project sila together ni Angelica pero hindi pa raw niya alam kung TV or movie. Ipi-pitch in pa lang daw kasi sa kanila ng management ang detalye.

Pero aminado naman siyang mas gumanda talaga ang aktres ngayon.

“Saka mas mature, mas confident magdala ng sarili niya,” matipid na tugon ni Carlo.

Anong reaksyon niya na mukhang type rin ni JM de Guzman si Angelica dahil nagpadala nga ito ng roses sa aktres at mukhang makakaribal pa niya?

“Wala, mabait naman si Em (tawag niya kay JM), eh. Tropa ko naman si Em, eh. So. . .”

Natanong din ang aktor kung naniniwala siya that love is sweeter the second time around at maikling sagot ni Carlo, “We’ll see. Wow! Di ko alam, eh.”

In fairness naman kay Carlo, mukhang hindi naman siya napipikon sa mga tanong sa kanya regarding Angelica dahil all smiles naman siya ‘pag sumasagot kahit na nga ba ang tipid ng mga sagot niya.

This just goes to show din kung gaano siya ka-gentleman dahil nakaka-offend naman talaga to any female celebrity na parang naiinis sumagot ang isang guy kapag tinatanong about her.

Lolit Solis nag-throwback sa away-bating relasyon nina Gabby at Grace

DAHIL sa naging karanasan namin nina Nay Lolit Solis, Salve Asis and Rose Garcia sa travel agent na si Aimee Oro ng Las Vegas Travels & Tours sa naging biyahe namin sa South Korea last weekend (Feb. 23-26), ang daming naalalang kuwento ng veteran co­lumnist/talent manager sa mga experience niya before sa pagbibiyahe.

Classic ‘yung throwback ni Nay Lolit about Gabby Concepcion and Grace Ibuna several years ago, noong time na magkarelasyon pa ang mga ito.

Kuwento niya, may travel agency si Grace that time at nagpa-book daw siya for 8 persons sa Hong Kong. Ang accommodation na ibinigay sa kanya ay Marco Polo Hotel kaya tuwang-tuwa raw siya dahil that time ay doon din naka-check in sina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez (RIP) na nagha-honeymoon.

Pagdating daw nila sa Marco Polo, ang sinabi sa kanila sa front desk ay “You don’t have a booking.”

Tawag daw siya nang tawag kay Grace, hindi ito sumasagot. Pati nga raw sina Lorna at Daboy ay inabala na niya at pinatawagan na rin niya sa mga ito si Grace. Hindi pa raw uso ang cellphone that time kaya ang hirap din ng communications.

Dahil nga ang tagal na nilang naka-stay sa lobby ng Marco Polo at sinasa­bihan na sila ng security, pinatuloy daw muna sila nina LT sa room nila.

Kinabukasan na raw sumagot si Grace at ‘yun pala, hindi sa Marco Polo ang booking nila kundi sa Holiday Inn Hotel.

“Siguro, gulong-gulo isip niya noon dahil that time ay away-bati sila ni Gabby,” kuwento ni Nay Lolit.

Pero siyempre, talag­a namang naloka raw siya sa ginawa umano ni Grace dahil magdamag nga naman silang walang matuluyan dahil sa pagkakamaling iyon instead na nagpapahinga sila sa Holiday Inn.
Pero sey nga rin ni Nay Lolit, pinakanakakaloka na sa lahat ng experience niya ay itong ginawa ni Aimee Oro na wala pala kaming flight booking sa PAL.

Sa tinatagal-tagal niyang nagta-travel around the world ay ngayon lang daw siya naka-encounter ng ganu’n ka-inefficient na travel agent.

Sa Instagram post ni Nay Lolit ay makikitang sunod-sunod talaga ang pagrereklamo niya kay Aimee na nakakapanggigil naman talaga ang ginawa.

Anyway, the latest we heard ay ise-settle na ni Aimee Oro ang pagkakautang niya kay Salve A. na siyang nag-abono ng lahat ng ticket fares. Mabuti naman kung ganu’n, pero sana next time, huwag na niya itong ulitin sa ibang