NI: ROLDAN CASTRO

Paggigitara ang pinagkaabalahan ni Carlo Aquino nu’ng magkaroon ng lockdown.

Pero aminado siyang natuto siyang magluto gaya ng sinigang na hipon, gumawa ng pancake.

“Dati kasi nakakasunog pa ako ng itlog,eh! Ngayon marunong na ako. Kahit papaano puwede mo na akong iwanan sa kusina. Nakakapagluto na ako ng breakfast,” sambit niya nang mag-live siya sa Beautederm TV.

Minsan sa isang linggo raw ay lumalabas siya sa kanyang condo para mamili. Dinadalhan niya ng pagkain ang mga magulang niya sa family house nila dahil ayaw niya itong palabasin.

“Hindi ako pumapasok ng bahay. Iniiwan ko lang tapos dini-disenfect ko ‘yun.Lilinisin ko, lalagyan ng alcohol.

“Tapos after 3 weeks nag-decide ako na parang okey naman ako. Wala akong nararamdam , pumunta ako sa kanila.Dun na ako nag-stay.

“So, parang ang sarap ng feeling na r ngayon magkakasama kami sa bahay, bonding ,” sambit niya.

Samantala, nagkaroon din ng pakontes ang Beautederm na pahulaaan ng mga nagawa niyang pelikula . Isa na rito ang “Bata, Bata..Pa’no ka Ginawa?” kasama si Vilma Santos. Markado ang linya ni Carlo sa pelikulang ito na “akala mo lang wala pero meron, meron, meron,” sabay sampal sa kanya ni Ate Vi.

Pagbabahagi ng aktor ay saludo siya sa Star for All Seasons sa eksena nilang ito dahil very professional. Isa siya sa dahilan kaya magaling siya sa nasabing pelikula.

“Vilma Santos ‘yun ,eh kapag hindi ka pa nakahugot dun,e! Pero Natutuwa ako , kasi di ba sinampal niya ako?Pagkatapos ng line na ‘yun, pumunta ako sa may sofa, tapos nagdabog ako nang nagdabog tapos niyayakap niya ako. Nu’ng nagdadabog ako, ilang beses kong tinatamaan ‘yung siko na hindi ko napapansin kasi umiiyak ako, umaarte ako. Pagka-cut sabi niya, aray gumanu’n siya. Sorry ako nang sorry.

“‘Di ko alam kung maalala ni mommy Vi ‘yun. Pero doon ako bumilib sa kanya, na siyempre kahit na nasasaktan, hindi siya nag-cut. Hindi siya nagpaka-big star na, ‘ano ba ito nasasaktan ako.’ Tuloy-tuloy lang siya sa eksena,” pagto-throwback ni Carlo.

Anyway,anim na taon na si Carlo sa Beautederm family. Alagang-alaga kasi siya ng CEO at President na si Ms. Rhea Anicoche-Tan kaya nagtagal siya sa nasabing kompanya.

Pinakapaborito raw niyang gamitin sa Beautederm ‘yung Purifie na Facial wash na may brush. Ang dali raw kasi maglinis sa mukha.

Ginagamit din daw niya ngayon ‘yung charcoal soap na gustong-gusto niya ang amoy.Every other day ay nagcha-Charcoal Charmer mask din daw siya. kaya naman kahit quarantine fresh pa rin ang mukha niya.