Carlo, Trina 2020 ang kasalan

Nadulas ang aming source na pakakasal ngayong taon si Carlo Aquino sa kanyang girlfriend na si Trina Candaza.

“34 na si Carlo nasa tamang edad na siya para mag-asawa,” sey pa ng source.

Kailan talaga ang wedding?
“Secret,” pakli niya .

Pasakalye na pala ni Carlo ang usaping kasalan nu’ng presscon ng Beautederm dahil may plano na siya talaga.

Boom!

Darren ayaw kantahin ang ‘Buwan’

Malutong na hindi po ang sagot ni Darren Espanto nang tanungin namin kung kakantahin ba niya ang hit song na ‘Buwan’ ni JK Labajo.

Kahit pa gawing themesong ng serye o pelikula never daw niya itong kakantahin.

Wala sa isip niya na magkaroon ng sariling version ng nasabing kanta.

Matatandaan nagkaroon ng gap ang dalawa na nauwi pa sa demandahan.

Anyway, si Darren ang umawit ng themesong ng ‘A Soldier’s Heart’ entitled ‘Sasagipin Kita’.

Siya rin ang bagong ambassador ng Beautederm na kakanta rin ng bagong themesong ng kompanya.

Talbog!

Janah kinilig kay Moira

Umaabante ang career ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan . Nanalo siyang Female Pop Artist of the Year para sa kantang ‘Di Ko Na Kaya “ sa Star Awards for Music at Aliw Awards.

“Sa totoo lang po hindi ko talaga in-expect na ako yung matatawag, kasi mga big star po yung mga naka-line-up sa category ko,” reaksyon ng dalaga sa pagwawagi niya.

“I was just really grateful about this another blessing. What a way to start my 2020 career,” dagdag pa niya.

Kinilig din din siya nang makita niya sa Moira ng personal sa awards night.

“I love Ms. Moira naman po kasi we both have the same sound when it comes to music. I love her voice na very chill, masarap lang pakinggan sa tainga.

“Sobraaaa po! Kinilig pa talaga ako, hahahaha! Kasi pagbaba ko ng stage kinongratulate niya ako and that really touched my heart,” sey pa niya.