Naitala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Hulyo 27 ang pinakamaraming bilang ng sasakyan na dumaan sa EDSA — 7,500 sasakyan kada oras mula sa bawat direksyon.
Ito ang isiniwalat ni MMDA OIC Emmerson Carlos sa Senate committee on public services ni Sen. Grace Poe, kaugnay ng isinagawang pagdinig sa panukalang batas para pagkalooban ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang transport crisis sa bansa.
“In order for traffic to move you should only have 5,600 vehicles for EDSA per hour per direction but right now last July 27 we recorded 7,500 vehicles per direction per hour in EDSA,” paglalahad ni Carlos.
Nagbabala pa ito na maaari pa itong tumaas bago matapos ang taon dahil base sa pagtatantiya ay aabot sa 3 milyong sasakyan ang nakarehistro sa Metro Manila mula sa kasalukuyang 2.3 milyon.
Sa nasabing hearing ay isiniwalat din nito ang mga dahilan kung bakit matrapik sa Metro Manila. Una ay dahil sa higit sa 12 milyon ang populasyon sa Metro Manila at nadadagdagan pa ito ng higit isang milyon mula sa mga karatig lugar na pumapasok bawat araw.
Ang ikalawang problema, ani Carlos ay ang behavior ng mga driver kung saan nagbabago na ito kapag sila’y nasa kalsada na. Ang ikatlo ay ang malaking bilang ng traffic accident — 262 accidents per day — kung saan kailangan pa ng presensiya ng traffic police dahil hindi kinikilala ng mga insurance company at ng korte ang report ng MMDA personnel.
“Isang aksidente lang sa daan, magko-cause na ng tremendous traffic,” sambit ni Carlos.
Isiniwalat pa ni Carlos na kulang din ng road network ang Metro Manila dahil base sa pag-aaral ng JICA, kailangang magkaroon ng 8,297 kilometer of road ang National Capital Region, pero ang road network lang ngayon ay 5,220 o kapos ng higit sa 3,000 kilometrong kalsada.
“What is 3,000 kilometers? That’s the distance between Metro Manila and Tokyo. Ganu’n po kalaki ang pagkukulang natin sa road network,” paglalahad ng MMDA chief.
pinag uusapan pa lang ang solusyon sa traffic parang nakakahilo na,
sana maimbento na ang sasakyang lumilipad at pinoy ang maka imbento,
July 27 is the date of Iglesia ni Cristo’s foundation. naturally the die hard members were obliged to attend this important celebration or else it will be the ground for excommunication from the church..they travel by car around metro manila going to their respective church locale..
so what ,, hindi every day yun …. lol bitter