tonite-this-is-it-roldan-castroBagong bihis ang ‘Sarap, Di Ba?”. Nawala na ang salitang Diva at naging Di Ba? Dahil wala na rin si Regine Velasquez sa Kapuso si Carmina Villarroel na ang mapapanood.

Sa ­unang pagkakataon ay makakasama niya sa isang talk-variety show ang kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Ibang format na rin ang show ng mag-ina kumpara sa dating show ni Regine.

Isang family-oriented program na mapapanood tuwing Sabado simula sa Oct. 20, alas-10:45 nang umaga.

Ayon kay Carmina, advantage raw na kasama niya sa Sarap, Di Ba? ang kanyang kambal na anak dahil nakikita at nasusubaybayan pa rin niya ang mga ito sa taping kahit wala sila sa bahay.

Hindi naman umano makaka­apekto sa pag-aaral nina Mavy at Cassy ang Sarap, Di Ba? Ang kanilang taping ay pagkatapos ng kanilang oras sa iskul. Dinadala na nila ang mga school notes nila sa set para makapag-aral ‘pag breaktime sa taping.

Anyway enjoy na raw sa showbiz sina Mavy at Cassy.

Of course, tutulong din ang kambal sa kanilang Mommy Mina sa pag-entertain ng kanilang mga bisita sa Sarap, Di Ba?

Anyway, hindi rin nakaiwas si Carmina na matanong na dahil sa kapwa teenagers na sina Mavy at Cassy, handa na ba siya sakaling mainlab ang mga ito.

Sagot ng actress-host, ayaw raw muna niyang isi­pin na magkaka-lovelife na ang kanyang kambal pero kung sakali man daw at siya ang masusunod, nais niyang nasa 30s na magkaroon ng karelasyon sina Mavy at Cassy.

Parehong natawa at hindi na lang sumagot ang kambal sa pahayag na ‘yun ng kanilang Mommy Mina.

Anyway, tutukan sina Carmina, Cassy at Mavy sa bagong putaheng handog ng GMA 7. Magsisimula ito sa Oct. 20 tuwing Sabado nang umaga bago mag-Eat Bulaga.

Megan may ibinalita kay Mikael?

Sa nalalapit na pagtatapos ng The Stepdaughters, masayang-masaya si Mayumi (Megan Young) dahil sa pagbabalikan nila ni Francis (Mikael Daez) at sa nalalapit nilang kasal.

Handa na rin siyang ibahagi kay Francis ang isang malaking sorpresa. Pero di pa rin magpapa­tinag si Isabelle (Katrina Halili) sa planong patayin si Mayumi. Nako, ano na naman kaya ang binabalak ni Isabelle? Alamin ‘yan sa finale ng The Stepdaughters ngayong Biyernes, Oktubre 19 sa GMA Afternoon Prime.

Michael Laygo nagbabalik

Nasa bansa ang magaling­ na singer na si Michael Laygo. Mu­ling maririnig ang hit song niyang “Minahal Kita” sa kanyang concert ngayong gabi na “Michael Laygo Old Songs…By Request”. Gaganapin ito sa The Music Hall sa Metrowalk, 7PM.

Ang mga musika ng 60’s, 70’s, 80’s at 90’s ay aawitin niya.

Yes, nagbabalik ang Prince of Pop Rock Music. Mapapanood din siya sa Red Lion Pub Inn, Baguio City ng November 3 at sa Batangas Convention Center, Batangas City sa Nov. 11. Talbog!