NI: MILDRED BACUD
Proud Frontliner ang dating singer/ actress na si Carol Banawa sa Amerika. Isa siyang registered nurse. Sa kanyang interview sa ASAP Natin ‘To binahagi niya ang karanasan bilang frontliner.
“When the pandemic started, every day paiba-iba ang guidelines. Nandoon lahat ng questions. We were also in fear. Siyempre nandoon po ang possibility na maka-encounter ako ng COVID patients pero so far wala pa naman. My greatest fear is bringing the virus home. Kasi like my daughter, she’s considered high risk kasi may asthma siya. My husband, he’s in the military,” sabi niya.
Kinuwento niya kung paano sila nag-iingat ng asawa para hindi mahawaan ang anak.
“Ang ginawa namin para lang added protection, meron kaming basket by the door and then once we get home, tanggal lahat ng damit, diretso kami sa banyo and then ligo muna. After that, that’s the only time we can greet and say hello to the kids.”
Masaya naman si Carol na katrabaho niya sa ospital ang mga Pinoy na tulad niya.
“Sa unit namin, sa OR, marami po akong katrabaho na Pilipino doon. Siyempre masarap ang pakiramdam kapag kasama niyo ang mga kababayan niyo sa trabaho. If you give a Filipino a task, we do it the best way that we can.”
Sa huli ay nagbigay pugay si Carol sa mga frontliner tulad niya.
“Sa lahat ng Filipino nurses all over the world, alam ko po wala pa po sa kalingkingan yung na-contribute ko para po maitulong sa pandemic na ito. But I am trying my best in my own little way. Saludo po kami sa inyo.”
Mula nang mag-asawa siya ay nagdesisyon itong manirahan sa Amerika. Do’n ay nagpatuloy siyang mag-aral hanggang sa maging nurse.Kung may pagkakataon naman na napapauwi sa Pinas ay tumatanggap pa rin ng guesting.
Napanatili naman niya ang friendship sa mga kasabayan sa showbiz na sina Jolina Magdangal, Piolo Pascual at Dimples Romana.