Carrot, bagsak-presyo

Dahil sa sobra-sobrang supply, bagsak presyo ngayon ang carrot kung saan apektado ang ilang magsasaka dahil sa kakulangan ng mga namimili sa Tinoc, Ifugao.

Ayon kay Josephine Pilley, isang carrot farmer, bumaba sa P5 hanggang P10 kada kilo ngayon ang carrot na noon ay umaabot sa P20 hanggang P25.

“Mahirap talaga ibenta ngayon. Sana tulungan tayo ng gobyerno na maibenta man lang ang aming produkto, kahit lang ‘yung P20 puwede na ‘yun,” ani Pilley.

Sinabi na ni Pilley na dahil walang bumibili ay napilitan na lang ang ibang magsasaka na itapon ang tanim nilang carrot. (Allan Bergonia)