Inalmahan ng isang rice watch group ang pagsasabatas sa kontro­bersyal na Rice Tariffication Law.

Sa ilalim ng rice tariffication, ­aalisin na ang itinakdang limitasyon o quantitative restriction sa mga ­angkat na bigas at sa halip ay papatawan na ng taripa ang mga ­imported na bigas.

Sa isang pahayag, iginiit ng grupong Bantay Bigas na hindi solusyon ang batas para mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Nababahala ang grupo na ­maging dahilan ang rice tariffication para masira ang self-sufficiency sa pagkain ng Pilipinas.

Maaari na rin umanong makontrol ng mga malalaking negosyo at mga dayuhang kompanya ang food security ng bansa.
Mabibigyan umano ng maling pag-asa sa mamamayan na ang unlimited na importasyon ng bigas ay mangangahulugan din ng matatag na suplay at presyo nito.

Kapag nagkataon, mamamayagpag umano sa industriya ng bigas ang mga trading cartel na nagdidikta sa presyo ng bigas.
“These profit-oriented entities do not recognize food security as primary, thus, availability and accessibility of the poor sectors to food are emasculated,” pahayag ng Bantay Bigas.