Iisa ang judo sa pagkukunan ng mga medal­yang ginto ng Team Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11 iba’t ibang partre ng Luzon.

Sinabi ni Philippine Judo Federation President David Carter, na kumpiyansa siya sa apat na gintong madadale sa koponang gigiyahan ni 2020 Tokyo Olympic hopeful Kiyomi Watanabe.

Nagwagi si Watanabe sa women’s -63kg. class sa Naypyitaw, Singapore at Kuala Lumpur SEA Games sa kada dalawang taong torneo at inaasahan ang pang-apat niyang tagumpay at pag-qualify sa susunod na taong Summer Games.

Sa kasalukuyan No. 23 sa world ranking si Watanabe at kinakaila­ngan na lang lumahok pa sa mga international competition upang manatili sa kanyang sil­ya o mag-Top 26 rankings hanggang sa May 2020 para makapag-Olympics.

Aasahan din si Carter sina 2017 gold medalist Mariya Takahashi, magkapatid na Heisi Nakano at Shugen Nakano, Shin Matsumura at Riyoko Salinas.

“The national judo team is ready – not just for the SEA Games, but also for the Olympics,” hirit ni Carter, habang pinasalamatan ang Phili­ppine Sports Commission (PSC) sa patuloy na pagsuporta sa judokas.

Sa tulong ng PSC ay naipadala ni Carter ang koponan sa ilang Grand Slam, Word Champion­ships at Grand Prix, pinakahuli sa isa pang torneo sa Osaka simula Nobyembre 22-24. (Lito Oredo)