Cash aid hinati sa apat! 5 QC barangay official swak sa kaso

Sinampahan na ng kaso ng Criminal Investigation and Detection Group ang limang barangay official sa Quezon City na sangkot diumano sa paghahati-hati ng perang natanggap ng mga residente mula sa social amelioration program.

Kasong paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act, Anti Graft and Corrupt Practices Act, Grave Coercion, at Bribery ang sinampa laban kina Brgy. Mariblo chairwoman Nenita Valdez at mga kagawad na sina Enrique Goco at Jerome Taeza, Jacklyn Bautista at isa pang indibidwal.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo umano ng ilang residente dahil hinati-hati ng mga suspek ang tulong pinansyal na natanggap nila sa nasabing programa. Sa halip umano P8,000 ang makukuha ng bawat benepisyaryo ay magiging P2,000 na lang dahil hinatai ito sa 4 na residente.

Tinakot pa umano sila ng mga opisyal na kung hindi papayag ay hindi sila mabibigyan ng form.