GAGANAPIN ang Halloween Festival Parade na Takutan sa Burgos (Year XI) sa Oktubre 22, Sabado, sa P. Burgos St., Brgy. Poblacion, Makati City.
Gaya ng mga nakaraang taon, babaha ang CASH PRIZES dito.
Sa GROUP category, P20,000 ang nakalaan para sa best in SCARY costume.
P15,000 naman para sa 1st runner-up at tatlong grupo pa ang may conso na P3,000 each.
Sa INDIVIDUAL category, ang best in SCARY costume ay mag-uuwi ng P15,000.
P10,000 ang para sa 1st runner-up, at sampu ang may P1,000 conso each.
Sa INDIVIDUAL pa rin, ang best in HALLOWEEN COSPLAY ay magtatamo rin ng P15,000.
P10,000 din ang magegetsing ng 1st runner-up at sampu pa ang may pampalubag-loob na P1,000 bawa’t isa.
‘Di ba, Joemari (cell# 0995-013-3603)
***
Mapapanood ang noontime newscast na Headline Pilipinas sa DZMM TeleRadyo sa cable at sa ABS-CBNTVplus simula ngayong 12:30 PM.
Pangungunahan ito ni Tony Velasquez, kasama sina Leo Lastimosa ng ABS-CBN Cebu at Melanie Severino ng ABS-CBN Davao.
Maghahatid sila ng mga balita mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, at bibigyan ng tinig ang mga Pilipino mula sa mga malalayong rehiyon.