Cassava bagong produkto sa Bicol

Hindi na lang mais ang itatanim ng mga taga-Bicol dahil tinuruan na rin sila ng Department of Agriculture (DA) na magtanim ng cassava o kamoteng kahoy.

Ayon sa DA-Bicol, sinimulan na nila ang pagtuturo sa mga magsasaka na magtanim ng kamoteng kahoy o balanghoy sa mga katutubo bilang alternatibong kabuhayan kapag masama ang kondisyon ng mga sakahan.

Paliwanag ng DA, mas malaki ang kita sa kamoteng kahoy dahil hindi na kailangan ng pataba at hindi rin ito maselan sa lupang pagtataniman.

Akma umano ang ganitong uri ng pananim sa mga lugar na hindi masyadong inuulan o madalang ang supply ng irigasyon.