Si Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo ang may ­pinakamaraming panukalang batas na naihain sa House of Representatives.

Dahil dito, ­masasabing si Castelo ang most ­productive lawmaker sa lower chamber.

Base sa record ng House, umabot sa 344 bills ang nasampa ni Castelo para maungusan ang iba pang 296 congressmen sa bansa kung legislative output ang pag-uusapan.

Angat naman sa production ni Castelo ang dalawang panukalang batas na kanyang inakda kamakailan upang lalo pang bigyan proteksiyon ang national cultural heritage ng Pilipinas at maisulong ang kapakanan ng mga solo parents.

“This feat only serves as an inspiration for me to work harder in ­serving the people of Quezon City and Metro Manila,” ani Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

“I will continue to make legislations worthy to the needs of our people and thrust of the govern­ment under President Rodrigo Duterte,” dagdag pa ni Castelo na kalilipat pa lamang sa partido ni Duterte na PDP Laban.

Pumapangalawa kay Castelo si Rep. Gary Alejano na may 204 bills habang nasa third place naman si Rep. Carlos Isagani na may 193 bills.

Samantala, nasa top 10 naman sina Reps. Evelina Escudero (4th, 161 bills), Alfred Vargas (5th, 153), Gloria Arroyo (6th, 154), Maximo Rodriguez (7th, 135), Dante Luansing (8th, 128), Helen Tan (9th, 128) at Harry Roque (10th, 122).

Nauna nang inihain ni Castelo ang House Bill 5604 na naglalayong bigyan ng discount ang mga solo parent sa bansa. Katulad sa senior ­citizens, nais ng panukalang ­batas ni Castelo na bigyan ang mga solo parent ng 20 ­percent discount sa kanilang mga pinamimili.

One Response

  1. bakit wala pang batas na ang gobyerno ang tutulong pinansyal sa mga nawalan ng trabahong mga pilipino at ito ay ibabase sa laki ng income tax na kanyang na-ibahagi sa pamahalaan.