Habang naghihintay na ang ilang liga sa go-signal mula sa gobyerno para makapag-ensayong muli ang mga koponan sa harap ng Covid-19, matatagalan pa ang hihintayin ng PBA D-League na nakadepende ang resumption sa major collegiate leagues UAAP at NCAA.

“Right now, as we all know, most of our teams are collegiate teams so we’re still waiting for the two major leagues for the announcement of their return,” sambit ni PBA deputy commissioner at operations manager Eric Castro sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

“From there, we’ll see in the calendar when we can re-start the D-League,” saad pa ng opisyal sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Go For Gold, at Smart.

Nahinto ang D-League Aspirants Cup noong Marso dahil sa pandemiya. Ilang kalahok na school-based teams ay ang Builders Warehouse-UST at EcoOil-DLSU at club team na Marinerong Pilipino. (Janiel Abby Toralba)