Namatayan ng asawa

Napanaginip ko pong umiiyak po ako at tinatawag ang pangalan ng asawa ko. Sa panaginip ko, nalaman ko daw na namatay siya at sobrang iyak ko daw at ramdam kong parang ayaw ko nang mabuhay. Pero sa buong panaginip ko naman po hindi ko nakita ang bangkay niya. Paggising ko, kahit alam kong panaginip lang ay hindi ko naiwasan ang kabahan at matakot dahil ayaw kong mamatay ang asawa.

Hukay at mga mata

Tanong ko lamang po. Ano po ibig sabihin ng panaginip kong naghuhukay ako isang gabi at sa paghuhukay ko po may nakita akong mga mata sa lupang hinukayan ko. Nakatingin sa akin ang mga mata at parang nagmamakaawa. Hope masagot nyo po ang aking panaginip.

Bride at preparasyon sa kasal

May itatanong lang po sana ako tungkol sa panaginip ko. Ako po at angboyfriend ko ay ikakasal na sa May 28, 2020. Sa naging panaginip ko po ay April 22 na, ako at ang pamilya ko ay naghahanda na sa kasal ko. Sa panaginip ko, pinipilit ko daw ang mama ko na huwag nang mag-ayos kasi nga ay isang buwan pa ang hihintayin bago ang kasal ko. Natatawa ako pero lahat daw kami ay nakaayos na. Nakita ko rin sa panaginip ang isang bride na siyang nakatakdang ikasal sa simbahan na iyon. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko.

Alpabeto sa panaginip

Dream Catcher

Napanaginip kong nasa harap ko ang isang bowl ng sopas. Pero pagtingin ko sa sopas ay mga letra ang laman nito. Iyong parang kinakain ng mga bata na alphabet soup. Ano po ang ibig sabihin ng ganitong panaginip? Mary Ann Ang alpabeto sa panaginip ay kadalasang indikasyon ng mga aral na natututuhan mo sa buhay. […]

Itim na pangkasal

Anu po ang ibig sabihin ng ikakasal daw ung anak ko pero black ang wedding gown nya.

Magnet sa aking katawan

Napanaginip kong kumakapit sa katawan ko ang mga magnet. Maraming magnet at lahat nakita kong dumidikit sa akin.

Nakulong sa loob ng isang kahon

Napanaginip ko pong nakakulong ako sa isang malaking kahon parang container van pero hindi siya metal kundi kahoy. Ikot ako nang ikot sa loob pero wala akong makitang pintuan at hindi ako makalabas. Nagpapanik na ako at para na akong nasasakal at doon na po ako nagising.