Pinatay ang girlfriend

Nanaginip akong ka-date ko ang girlfriend ko tapos daw ay naglalaro ako ng balisong. Then nang naglalakad na kami hinarang kami ng isang holdaper na may dala ring balisong. Nahawakan niya ang girlfriend ko at itinutok ang kanyang balisong sa leeg ng girlfriend ko. Hindi ako makakilos dahil sa pagkabigla, biglang ginilitan ng holdaper ang girlfriend ko hanggang sa maputol ang kanyang leeg.

Inang namatay nabuhay sa kabaong

Gusto ko lang po malaman ang kahulugan ng a­king panaginip. Nana­ginip po ako na nasa kabaong ang aking ina, at nang yakapin ko ang kabaong hinawakan niya ang aking kamay at nakita ko po na gumalaw ang kanyang mga mata at humihinga. Ano po ang kahulugan nito?

Dating manliligaw

Napanaginipan ko ang isang dati kong manliligaw. Kasama raw niya ang a­king anak na maliit pa. Nakita ko rin na hinalikan niya sa noo ang anak ko. Hindi ko na matandaan ang ibang bahagi ng panaginip ko. Bakit ko po kaya napa­naginipan ko ang dati kong manliligaw?

Namatay ang pinsan

Napanaginipan ko po ang pinsan ko na meron po kaming ka-chat at nakipag-meet siya rito. Tapos hanggang bigla ko na lang siyang hindi nakita or hindi na nagpa­ramdam. Hindi ko rin makontak ‘yung phone. At hanggang sa natagpuan na lang ‘yung katawan niya sa ilog. At patay na. Hindi daw ako makapaniwala sa nangyari at natakot akong sabihin ‘yung nangyari na patay na siya. Hoping na maliwanagan po ako.

Kinagat ng tuta

Share ko lang po panaginip ko na naglalakad ako nang bigla akong kagatin ng tuta sa paa ko. Mga tatlong beses niya ko kinagat at hindi naman siya tumatahol. Sa mga nababasa kong meaning ng nakagat ng aso, wala naman po akong inaangkin lalo sa negosyo. Sana po matulungan po niyo ako.

Mensahe ng namatay sa kaibigan

Napanaginipan ko ang best friend ko na may ilang taon nang namatay. Sa pa­naginip ko, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng isang magandang bahay, parang palasyo ang bahay. Masayang-masaya ako at napasigaw ako nang makita ko ang kaibigan ko. Sa panaginip ko, hindi ko alam na patay na siya. Nagkuwentuhan pa kami at sinabi niyang masaya siya at mababait ang kanyang mga kasama. Hindi niya ako pinapasok sa bahay niya dahil saka na lamang daw ‘pag nagkita ulit kami. Paggi­sing ko saka ko na-realize na patay na nga pala siya. Pero ramdam kong ang saya-saya ko.

Pulang lipstick

Napanaginipan ko pong kasama raw ako ng mga friends ko at naisipan ko raw mag-lipstick, pulang-pula ang lipstick. Hindi naman po ako mahilig mag-lipstick sa tunay na buhay pero dun sa panaginip ko, nakita ko ang sa­rili ko habang nagli-lipstick kahit wala ako sa harap ng salamin.

Pagkamatay ng anak

Gusto ko lang pong itanong ang aking pa­naginip. Biglaan po kasi na namatay ‘yung anak ko last August. Tapos nitong mga nakaraang araw ay napapadalas po ‘yung panaginip ko. Nito lamang nakaraan ay napanaginip kong may kabaong na iniiyakan ang pamilya ko. Tapos po ay nasa malayo daw ako at pinapanood ko lang sila. Now naman ay napanaginipan ko ‘yung anak ko na namatay. Sa panaginip ko ay nakita ko siyang humihinga pa sa kabaong kaya binuksan ko daw iyong kabaong at ginising ko siya. Nagising naman po siya kaya sobrang saya ko po sa pana­ginip na iyon. Gusto ko pong malaman ano po ang ibig sabihin ng mga ganitong panaginip ko.

Bodega at mga kahon

Napanaginipan kong nasa isang kuwarto ako. ‘Yung kuwarto parang bodega talaga siya. Meron daw mga kahon at abala ako sa pagsasalansan ng mga kahon. Iyon lang ang natandaan ko sa panaginip ko. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?