Catriona balik ‘Pinas

Ipapasa na ang korona:

Bumalik na sa Pilipinas ang Miss Universe 2018 at Binibining Pilipinas 2018 na si Catriona Gray.

“Home”, caption niya sa larawan sa kanyang Instagram account.

Nakatakdang ipasa ni Catriona ang korona sa susunod na tatanghalin bilang Binibining Pilipinas-Universe na siyang kakatawan para sa Miss Universe 2019.

Aniya, “I’m going to the Philippines! I’m so excited because I’m going to attend different charity events while shooting some exciting stuff and, of course, attending Binibining Pilipinas, which means that I will be emotional because I will pass on my Miss Philippines title to the next Filipino who will represent us internationally. I can’t wait to see all of you.”

Gaganapin ang Miss Universe 2019 Grand Coronation Night sa Araneta Coliseum sa darating na June 9. (Ronaline Avecilla)