Catriona bigong kabugin si Pia

NI: RODEL FERNANDO

Ayaw paawat ng mga fan nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach.

Sabi ng mga tagahanga ni Pia, kahit 2015 pa kinoronahan ito bilang Miss U ay hindi siya nawawalan ng endorsement.

Marami raw sa kanyang ini-endorse ay ini-extend ang kanyang kontrata. Ibig sabihin daw nito ay marunong siyang makisama at epektibo siya bilang product endorser.

Hindi raw nangyari na matalbugan siya ni Cat kahit 2018 pa ang pagkakapanalo niya bilang Miss Universe.

Ini-expect daw kasi na babahain ito ng product endorsement at mawawalan si Pia.

May nasilip pa ang ilang netizen tungkol kay Catriona. Hindi raw nakatulong ang pagho-host niya sa It’s Showtime. Marami ang nakapansin na hindi siya bagay sa naturang noontime show.

Giit naman ng tagasuporta niya, maski naman daw si Pia ay hindi tumagal sa isang musical variety show. Malamya rin daw kasi itong mag-host.