Bukod sa pagpapababa ng age of criminal responsibility, isang isyu pa ang sinalungat ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Naitanong kay Catriona kung ano ang reaksyon niya ukol sa mga meme na ‘Maharlika’ dahil sa iminungkahing pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas.

Natawa na lang si Cat at tila naguluhan sa nasabing isyu: “Where is that from I’ve been seeing the meme but I’ve never seen the source of it. What is it?”

Ipinaliwanag naman sa kanya na ang topic ay nagmula sa kagustuhang ligwakin ang bansang Pilipinas at gawin itong ‘Maharlika’.

“Bakit?” honest na tanong ni Cat na clueless kung bakit napagdiskitahan ang pangalan ng bansa.

Muling humalakhak ang beauty queen at ipinaliwanag na walang dahilan para guluhin pa ang pangalan na Pilipinas na ayon sa kasaysayan ay tumagal na nang halos 500 years.

“If it’s not broke don’t fix it. Philippines is Philippines!” matindihang sagot ni Catriona.

Matatandaan na iminungkahi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa mga kanyang speech dahil nanggaling umano ang pangalan na Pilipinas mula kay Magellan na naging mitsa ng pagsakop ng mga Espanyol sa bansa.

Marami naman ang napabilib sa na­ging sagot ni Catriona at tinatawag pang ‘true definition of a beauty queen’ sa social media.

“I’m not much fan of pageants but this Queen is a real one — charm, grace, wit and heart for the people. She is damn deserving of her crown,” comment ni @jemrobles kaugnay ng Maharlika issue.

“absolutely! If it’s not broke why fix it? whoever thought of changing the Country’s name must be the one who needs fixing…go find a shrink to fix your head dumbass!!” share naman sa Youtube comment ni Harry Truman.